-- Advertisements --
provincial bus

Iminungkahi ng ilang grupo ng mga negosyante ang pre Booking system para sa pasaherong madalas sumasakay sa Bus.

Ayon sa PCCI president George Barcelon, marahil ito aniya ang maging mabisang solusyon upang lumuwag ang trapiko sa bansa.

Aniya, karamihan sa mga mananakay ay mayroon ng mobile phones kaya’t mas makabubuting magkaroon na lamang ng pr-booking sa mga bus.

Mungkahi pa nito na gayahin ang sistema sa ibang bansa na mayroong numbering system.

Dito aniya ay malalaman ng mga pasahero kung anong oras lamang daraan ang kanilang sasakyang bus.

Sa ganitong paraan ay maiiwasan rin aniya ang siksikan ng mga pasahero sa mga bus stop.