Umapela ngayon ang ilang mga negosyante at foreign business chambers na ipagpaliban muna ang pagpapatupad ng pre-border inspection policy sa Pilipinas.
Ang panawagan na ito ay para kay Finance Secretary Ralph Recto.
Giit ng mga grupo na ang pagpapatupad ng naturang polisiya ay maaaring makaapekto sa ekonomiya ng bansa.
Nais ng grupo na irekonsidera ng kalihim ang Joint Administrative Order No. 001-2025.
Nakapaloob sa kautusang ito ang digital integrated system na may kinalaman sa pre-border technical verification at maging sa cross-border electronic invoicing.
Layon ng Joint Administrative Order No. 001-2025 na istreamline ang mga kinakailangang sistema sa mga transaksyong internasyonal na kalakalan.
Kabilang sa mga lumagda sa liham na ipinadala kay Sec. Recto ay ang Joint Foreign Chambers of the Philippines, Makati Business Club ,EU-ASEAN Business Council, Federation of Indian Chambers of Commerce US-ASEAN Business Council pati na ang Philippine Association of Multinational Companies Regional Headquarters Inc.