-- Advertisements --

Kinansela ni Queen Elizabeth II na ang taunang pre-Christmas lunch kasama ang pamilya.

Ito ay bilang pag-iingat na rin sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa United Kingdom.

Ayon sa Buckingham Palace na nais nilang maging magandang ehemplo at hindi gayahi ng iba.

Bagamat nasasayangan dahil sa pagkansela ay naniniwala ang Royal Family na mayroong tamang panahon para ito ay matuloy.

Magugunitang mula ng pumanaw si Prince Philip noong Abril ay nananatili na lamang ang 95-anyos na si Queen Elizabeth sa Windsor Castle sa west London.