ILOILO CITY -Nananatili sa Blue Alert status ang Emergency Operations Center ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council sa Western Visayas sa kabila ng hindi direktang epekto ng Bagyo Betty sa rehiyon.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Cindy Ferrer, spokesperson ng Office of Civil Defense Western Visayas, sinabi nito na-activated ang Bravo Protocol na pangalawa sa pinakamataas na Emergency Preparedness and Response sa anim na mga probinsya na kinabibilangan ng Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo kag Negros Occidental.
Na-classify rin ang dalawang highly-urbanized cities ang Bacolod at Iloilo bilang high risk o susceptible sa landslide at pagbaha dahil sa inaasahang pagbuhos ng ulan.
Epektibo ang alert status kahapon, Mayo 27.
Activated rin at naka-standby ang Camp Coordination at Camp Management, Food at Non-Food Items, Logistics at Search,at Rescue and Retrieval clusters.
Nakapagsagawa na rin ng pre emptive evacuation sa ibat ibang lugar sa rehiyon na nasa 1,229 families.