-- Advertisements --

Ipinasilip ng Commission on Elections ang kanilang COMELEC Warehouse sa Binan, Laguna kung saan isinasagawa Pre-Election Logic and Assurance Test o PrE-LAT ng mga makina na gagamitin sa eleksyon at ‘Kitting’ ng mga election paraphernalia. 
Samantala, ipinakita rin ng poll body sa kanilang COMELEC Warehouse sa Sta Rosa, Laguna kung saan naman inihahanda ang mga official ballots na idedeploy sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ang Pre-Election Logic and Assurance Tests o PrE-LAT ay ang pagsusuri sa mga components ng machines, katulad ng hardware at software, kung ito ba ay gumagana nang maayos. 
Ang kadalasan na nakikitang problema sa machine habang isinasagawa ang PrE-LAT ay ang pag-reject ng makina sa mga balota dahil sa ito ay na-damage. 
Sa kasalukuyan, nasa 47,000 na mga makina na ang na-test ng komisyon mula sa kabuuang bilang na 110,000.

Kaugnay nito, ipinakita rin ng poll body ang paghahanda ng komisyon sa mga election paraphernalia o tinatawag na ‘kitting’. 
Sa proseso ito inoorganize ang mga kagamitan para sa eleksyon katulad ng mga marking pens, adapters, plastic seals, papel na gagamitin sa mga election returns, sim cards at iba pang election paraphernalia.  

Samantala, nakahanda na rin ang mga balota sa kanilang warehouse sa may Sta Rosa Laguna naman para i-deploy. 
Ayon kay Commission on Elections Chairman George Erwin Garcia, tatlong lugar ang panggagalingan ng mga balota, mula sa COMELEC Warehouse Sta Rosa Laguna, National Printing Office at Amoranto Sports Complex sa may Quezon City.

Sa kasalukuyan nasa 18M pa na mga balota ang kailangan i-verify. 
At kapag ito ay natapos na, ipa-pack na nila ito sa isang waterproof na kahon para ihanda sa deployment. 
Inanunsiyo rin ni Garcia na dahil sa bagong resolution na kanilang inilabas, maaaring buksan ng mga municipal treasurer at election officer ang mga balota pagkarating sa kanila upang tiyakin na tamang balota ang natanggap.

Target ng komisyon na mapadala na sa April 20 ang na mga election paraphernalia at machines sa mga COMELEC hubs sa iba’t ibanglugar habang ang mga balota naman ay sa mga municipal treasurer. 
Ito ay kanilang gagawin hanggang Mayo 5 dahil pagkatapos na mapadala ang lahat ng kinakailangang kagamitan sa halalan, final testing and sealing na ang isasagawa.