-- Advertisements --

Maging ang mundo ng musika ay hinikayat na ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na magsilbing inpirasyon sa gitna ng ingay ng karahasan sa kanilang bansa dulot ng tensyon laban sa Russia.

Mensahe ito ng 44-year-old former actor sa surprise appearance sa ginanap na 64th Grammy Awards sa Las Vegas kaninang umaga, oras sa Pilipinas.

Ayon pa sa actor turned Ukraine president, sana ay mapunan ng kalmadong musika ng mga top artists ang mga inosenteng kaisipan pa lamang nilang mamamayan.

“We are fighting Russia, which brings horrible silence with its bombs. The dead silence. Fill the silence with your music,” bahagi ng pre-recorded message nito.

Sumunod na rito ang performance ni John Legend sa awiting “Free,” kasama ang Ukrainian singer na si Mika Newton, musician na si Siuzanna Iglidan at poet na si Lyuba Yakimchuk.

Sa seremonya, tinanghal na big winner ang duo ni Bruno Mars habang wagi rin ang kapwa half Pinoy nito na sina Olivia Rodrigo at H.E.R.

Unang inasahan ang pagbibigay ng mensahe ng Ukraine pres sa Oscar Awards noong nakaraang linggo, pero ang nangyari ay ang eksenang pagsampal ni Will Smith sa kapwa komedyante na si Chris Rock.