-- Advertisements --

Plano ng National Economic and Development Authority (NEDA) na magsagawa ng pre-registration sa national identification system sa Oktubre.

Ayon kay NEDA chief Karl Chua, unang target muna nilang mairehistro ang nasa 5 milyong mga Filipino.

Aminado ito na isang malaking hamon ngayon ang COVID-19 pandemic.

Isasagawa muna nila ang pre-registration para pagdating ng registration ay hindi na sila mahihirapan pa.

Sa 2021 budget ay mayroong inilaan na P4.1 billion para sa implementasyon ng national ID system sa bansa.