-- Advertisements --
image 146

Naisumite na ng National Bureau of Investigation ang ilang karagdagang ebidensya na may kaugnayan sa mga isyu na ibinabato laban sa Socorro Bayanihan Service Inc.

Bukod dito ay naghain narin ang ahensya ng Precautionary Hold Departure Order laban sa leader ng umano’y kulto na si Jay Rence Quilario at ilang miyembro nito.

Pinagtibay naman ng National Bureau of Investigation ang naunang imbestigasyon na ginawa ng Commission on Human Rights

Samantha, nakatakda gawin ang susunod na pagdinig sa October 20 ng kasalukuyang taon.

Inaasahan ng DOJ Prosecution panel ang paghahain ng supplemental counter-affidavits at pagpepresenta ng oposisyon ng mosyon para sa Precautionary Hold Departure Order.

Ang kaso ay kasalukuyang nasa ilalim ng pangangasiwa ng mga prosecutor na kung saan ang assignment na ito ay inendorso mismo ng DOJ sa pamamagitan ng Department Order.