Operational na muli para sa mga botante ang precinct finder ng Commission on Elections (Comelec) matapos makaranas ng techincal glitch.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, natukoy ng mga expert na kaya nahihirapan ang mga botante na mahanap ang kanilang presinto na pagbobotohan ay dahil hindi tinatanggap ng system ang kulang na impormasyong isina-submit ng mga ito.
Nai-report na rin daw ito ng poll body sa Department of Information and Communications Technology agad sinuspinde ang naunang web link nito.
Sa ngayon maaari na raw bisitahin ng registered voters ang: www.gov.ph/web/precinctfinder
Kailangan lamang ilagay ng botante ang kanyang buong pangalan, birthday at address kung saan sila nagpa-rehistro.
Hinimok ng Comelec ang publiko na agad ipaalam sa kanilang sakaling magkaroon muli ng aberya sa kanilang precinct finder.