KORONADAL CITY – Nagpapatuloy ang isinagawang clearing operation sa mga lugar sa Maguindanao kung saan nnagyari ang engkwentro sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at mga factions ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.
Ito ang inihayag ni Lt. Col. John Paul Baldomar sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Baldomar, inilunsad ang pinakabagong preemptive strike nitong madaling araw ng Lunes sa bahagi ng Shariff Aguak Maguindanao matapos na makatanggap ng report ang AFP sa paglikas ng mga residente matapos na sumalakay ang mga kasapi ng BIFF Karialan at Bongos Faction.
Plano umano ng mga terorista na gumawa ng karahasan ngayong nasa isang buwan na Ramadan ang mga Muslim sa ibat-ibang lugar sa South Central Mindanao.
Sa ngayon ay hindi pa pinababalik sa kani-kanilang taahanan ang daan-daang mga bakwit hangga’t walang clearance mula sa mga sundalo.