-- Advertisements --

Maaari pa ring magsagawa ang mga prosecutors ng preliminary investigations sa mga nakabinbin na reklamo sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) o kahit na sa ECQ.

Sinabi ni Prosecutor General Benedicto Malcontento, kapag payagan ang video conference ay kanila itong papayagan maliban lamang sa mga pagsusumite ng mga dokumento o affidavits.

Sa preliminary investigation ay nabibigyan ang mga respondents ng oras para magsumite ng kaniyang depensa sa pamamagitan ng counter-affidavits sa kasagsagan ng pagdinig.

Magugunitang iniatas ni Chief Justice Alexander Gesmundo na mananatiling sarado hanggang Abril 30 ang mga korte sa lugar ng MECQ tulad ng National Capital Region, Cavite, Laguna, Bulacan at Rizal.