-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Isasalang na sa preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) ang kasong inihain ng Securities and Exchange Commission (SEC) laban sa KAPA Community Ministry International Inc.
Ayon kay SEC-Norther Mindanao regional director Atty. Reynato Egypto, pagkakataon na ito ng kanilang hanay na patunayan at idiin ang KAPA sa akusasyong iligal na gawain bilang investment scam.
Dito kasi matutukoy kung may probable cause para ituloy ang kaso at mapanagot ang founder na si Pastor Joel Apolinario at incorporators nito.
Hinamon ni Egypto ang kampo ni Apolinario na harapina ang kaso na mismong gobyerno na ang naghain laban sa kanila.