-- Advertisements --

Posibleng ilipat na ng Department of Justice (DOJ) sa kanilang main office sa Manila ang preliminary investigation sa pagkasawi ng artist na si Bree Jonson.

Sinabi ni DOJ Secretary Menardo Guevarra na ikinokonsidera nila ang pagsasagawa ng preliminary investigation ng mga state prosecutors.

Dagdag pa ng kalihim na sa ganitong paraan ay mabibigyan pa ang piskalya na makapagsumite ng mga karagdagang ebidensiya at makita na kung mayroon bang foul play.

Sinabi naman ni Prosecutor General Benedicto Malcontento na posibleng sa susunod na linggo ay kanilang pagdedesisyunan kung sino ang hahawak ng preliminary investigation

Magugunitang tanging possession of illegal drugs ang naisampa kay Julian Ongpin na huling nakitang kasama ni Jonson kung saan nahulian ng 12 gramo ng cocaine.

Sinasabing nagduda ang magulang ni Jonson na ito ay nagpakamatay kay nagsagawa ng magkahiwalay na autopsy ang NBI at PNP.