-- Advertisements --

Sisimulan na ng prosecutors’ office ng Makati City ang preliminary investigation sa mga reklamong inihain laban kay Gwyneth Anne Chua o mas kilala bilang si “Poblacion Girl” dahil sa mga naging paglabag nito sa quarantine protocols matapos na makabalik ito sa Pilipinas mula sa bansang Amerika.

Sinabi ni Assistant State Prosecutor Honey Rose E. Delgado, tagapagsalita ng Office of the Prosecutor General (OPG) ng Department of Justice (DOJ), na sa darating na February 7 at February 14 dakong alas-10 ng umaga naka-schedule ng preliminary investigation ukol dito.
COVID-19).

Isasagawa ang preliminary investigation batay sa mga reklamong inihain ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) noong Pebrero 1.

Bukod pa kay Poblacion Girl, mayroong walon iba pang mga tao ang kasama sa naturang reklamo.

Kabilang na dito ay mga magulang na sina Allan Chua at Gemma Leonardo-Chua, kanyang kasintahan na si Rico Atienza, at lima pang mga staff member ng Berjaya Makati Hotel.

Inakusahan ng naturang mga indibidwal ng paglabag sa Republic Act No. 11332, o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

Magugunita na nag-viral online si Poblacion Girl matapos itong tumakas mula sa kanyang quarantine hotel at dumalo sa isang party sa Barangay Poblacion, sa lungsod ng Makati.

Kung maaalala, January 19, 2021 nang pagtibayin ng Department of Tourism (DOT) ang pagpapanagot sa Berjaya Makati Hotel kung saan nakasaad sa inilabas na Notice of Resolution ng kagawaran na pinagmumulta nito ng hanggang P13,200 ang naturang hotel dahil sa naging paglabag nito sa mga ipinatutupad na health and safety protocol ng Inter-Agency Task Force (IATF).