Inaasahang matatapos sa susunod na linggo ang preliminary ivestigation sa OFW na nakakulong sa Japan.
Ang isa sa dalawang Pinoy na nakakulong sa Japan ay dahil sa pag-abandona sa bangkay ng isang patay na mag-asawa sa nasabing bansa.
Nauna nang binisita ng Consul General ng Philippine Embassy sa Tokyo si Bryan Dela Cruz sa kanyang detention cell at inilarawan ang kanyang kondisyon.
Sinabi ni DFA Usec. Eduardo de Vega na si Dela Cruz at ang isa pang Pinoy na si Hazel Ann Baguisa Morales, na kapwa iniimbestigahan sa umano’y pag-iwan sa bangkay ng mag-asawang Hapon, ay hindi itinuring na mga suspek.
Sinabi rin ni De Vega na inaasahang matatapos sa susunod na linggo ang preliminary investigation sa kaso.
Sa CCTV footage, nakitang lumabas ang dalawang Pinoy sa bahay kung saan natagpuang patay ang mag-asawang Norihiro at Kimi Takahashi noong Enero 16.
Natagpuan ang mga bangkay ng mag-asawa na may maraming saksak na dahilan upang sila ay bawian ng buhay.