-- Advertisements --

Wala ng naitalang nagpositibo ng coronavirus disease sa mga manlalaro ng Premier League.

Sa kabuuang 1,195 na mga manlalaro at club staff ay hindi nagtala ng anumang nagpositibo sa nasabing virus.

Ayon sa liga na isa itong magandang balita dahil sa nalalapit nilang pagbabalik sa paglalaro sa Hunyo 17.

Sa kabuuan ay mayroon lamang 13 mga manlalaro at club staff sa kabuuang 6,274 na isinaillalim sa testing.

Magpapatuloy din ang nasabing testing dalawang beses sa isang linggo.