Ipinagmalaki ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na tuloy-tuloy lamang ang paghahanda ng Pilipinas para sa 2023 FIBA World Cup kung saan co-host ang bansa.
Sa isang virtual forum, sinabi ni SBP executive director Sonny Barios na gumugulong na ang kanilang ugnayan sa FIBA at sa iba pang mga co-host na Japan at Indonesia.
Paglalahad ni Barrios, masigla raw ang kanilang mga diskusyon ngayong may umiiral na lockdown.
Kaugnay nito, inanunsyo ni Barrios na ang logo at branding ng pinakamalaking basketball international meet ay isasapubliko sa Setyembre, habang isasagawa din ngayong taon ang draw ceremony.
“Everything is so fluid because of this COVID pandemic, unfortunately for all of us. Nothing is cast in stone this early,” wika ni Barrios.
Maliban sa logo, kasama na rin sa kanilang tinatalakay ang financial models, marketing, at sales sa pagitan ng tatlong mga bansa.