Hinikayat ni US President Joe Biden ang mga Americans na nasa Ukraine na agad na nila itong lisanin.
Sinabi ni Biden na hindi lamang parang isang teroristang organisasyon ang kanilang kalaban kundi isa sa mga pinakamalaking armadong militar sa buong mundo na tumutukoy sa Russia.
Nagbabala din ang pangulo ng Amerika na iba aniya ang sitwasyon ngayon at maaaring mabilis na magiba ang kasalukuyang sitwasyon sa Ukraine.
Ayon pa kay Biden, wala aniyang sitwasyon na makakapag-udyok sa kaniyang magpadala ng mga sundalo sa Amerika para ilikas ang mga mamamayan nila sa Ukaraine dahil pag nagkataon ay world war ang mangyayari sa oras magbarilan ang mga sundalo ng Amerika at Russia.
Aniya, hindi aniya mangingimi si Russian President Vladimir Putin na gumawa ng aksiyon na magakakaroon ng negatibong impact sa mamamayan ng Amerika.
Kaugnay nito, inapribahan ng White House ang planong pagpapadala ng nasa 2000 US troops sa Poland para tulungan ang mga Americans nais lisanin ang Ukraine sakaling lusubin ito ng Russia.