Pinapatiyak ni US President Joe Biden sa kaniyang national security agencies na paigtingin ang pagbabantay sa mga sensitibong dokumento.
Kasunod ito sa naganap leaks ng mga dokumento mula sa Pentagon.
Ayon sa pangulo na inatasan niya ang kaniyang military at intelligence community na palakasin at limitahan ang distribusyon ng mga sensitibong impormasyon.
Nakikipag-ugnayan narin ang kanilang national security team sa mga partners at allies para hindi na maulit ang leakages.
Sinabi naman ni Defense Secretary Lloyd Austin na kaniyang pinapa-review ang intelligence access, accountability at control procedures sa kanilang departamento para hindi na maulit ang insidente.
Magugunitang naaresto ng FBI ang 21-anyos na si Jack Teixeira na miyembro ng Massachusetts Air National Guard nasiyang nasa likod ng pagpapakalat sa internet ng mga sensitibong dokumento mula sa Pentagon.