-- Advertisements --

Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na naggagarantiya ng compensation para sa mga biktima ng 2017 Marawi siege.

Ito ay matapos na lagdaan ng Pangulo ang Republic Act No. 11696 o ang Marawi Siege Victims Compensation Act of 2022.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson Martin Andanar, ang naturang batas ay nagbibigay ng compensation para sa mga nawala at nasirang properties ng mga biktima gayundin ang mga nasawi dahil sa month long siege na kagagawan ng mga miyembro ng Maute terrorist group.

Kaugnay nito, makakatAnggap ng tax-free compensation mula sa gobyerno ang mga kwalipikadong owner ng residential, cultural, commercial structures at iba pang properties sa Marawi na matinding napinsala.

Ang mga legal na tagapagmana ang siyang makakatanggap ng compensation ng mga namatay na nagmamay-ari ng properties sa Marawi alinsunod sa Code of Muslim Personal Laws of the Philippines o ang Civil Code of the Philippines