Nagkasundo ang China at Pilipinas sa ilang mga usapin na may kaugnayan sa dalawang bansa.
Iiniulat ito ng Malacañang sa isang statement matapos ang naging pagpupulong ni Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping sa isang phonecall.
Dito muling nagbaliktanaw ang dalawang lider sa kung paano nagsimula’t at nagpatuloy na bumuti ang relasyon nito sa isa’t-isa.
Ayon sa Malacañang, nagkasundo ang dalawang lider na paigtingin pa ang kanilang economic relations at ipagpatuloy ang Build, Build, Build project, gayundin ang pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa West Philippine Sea na matagal ng pinagtatalunan ng dalawang bansa.
Bukod dito ay nanawagan din ng isang mapayapang solusyon ang dalawang bansa tungkol naman sa nagaganap na kaguluhan ngayon sa pagitan ng Russia at Ukraine dahil sa kanilang nararamdamang pagkabahala ukol dito.
Samantala, kabilang naman sa iba pang tinalakay nina Duterte at Xi ang mga isyu tungkol sa two way trade investments, pagpapalitan ng goods at services, at climate change.