-- Advertisements --
Naging mabunga ang ginawang pag-uusap nina Pangulong Rodrigo Duterte at Japanese Prime MInister Yoshihide Suga.
Sa ginawang pag-uusap ng dalawang lider sa telepono, tinalakay nila ang mga usapin sa COVID-19, South China Sea dispute at ang bilateral relations ng dalawang bansa.
Pinasalamatan din ni Pangulong Duterte ang Japan dahil sa $3.16 million emergency assistance, dalawang pandemic recovery loand at ang pagpapauwi sa halos 4,000 na Filipino sa Japan.
Maging ang pagtulong ng Japan sa pagbangon ng Mindanao ay isa sa pinuri ni President Duterte.
Nakatakdang ipagdiwang ng Japan at Pilipinas ang kanilang diplomatic ties sa 2021.