-- Advertisements --

Naging mabunga ang ginawang pag-uusap sa telepono ni Pangulong Rodrigo Duterte at Japanese Prime Minister Yoshidie Suga.

Ayon sa MalacaƱang na ilan sa mga napag-usapan ay tungkol sa West Philippine Sea, paglaban sa terorismo at ekonomiya.

Ipinarating ni Pangulong Duterte na mahalaga ang koooperasyon para sa promosyon ng maritime security and safety, freedom of navigation at ang promosyon ng domain awareness.

Nanawagan din ang pangulo ng mapayapang pag-aayos sa anumang sigalot sa Asia-Pacific dahil mahirap ang magkaroon ng kaaway sa kalapit na bansa.

Bagamat nababahala si Prime Minister Suga sa problema sa West Philippine Sea ay pinuri naman nito ang possiyon ng Pangulo sa 75th session ng United Nations General Assembly tungkol sa 2016 Arbitral Ruling.