Ikinokonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte na pulungin ang mga nagdaang pangulo ng bansa para pag-usapan ang isyu sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na magiging posibleng gawin ito kaysa sa pagpulong sa National Security Council (NSC).
Dagdag pa ni Roque na walang nareresolve kapag nagpupulong ang NSC base na rin karanasan nito.
Nauna kasing ipinanukala ni dating Senador Rodolfo Biazon na pulungin dapat ng pangulo ang NSC para magkaroon ng malinaw at nagkakaisang opinyon sa West Philippine Sea issue.
Ang NSC ay binubuo ng Pangulo, pangalawang pangulo, senate president, speaker of the house, mga head ng bawat executive Department , Chairman of the Committee of National Defense sa Senado at House of Representatives at AFP Chief of Staff.