-- Advertisements --

Hindi pinaligtas ni Pangulong Rodrigo Duterte na batikusin sina Vice President Leni Robredo at Senator Ping Lacson.

May kaugnayan ito sa pahayag ng dalawa na tila kinokotongan umano ng pangulo ang Amerika para sa pagpapatuloy ng Visiting Forces Agreemen (VFA).

Duterte

Sa kaniyang national address nitong Lunes ng gabi, binigyang diin ng presidente na nakasaad sa 1987 Constitution na tanging ang pangulo lamang ng bansa ang siyang may kapangyarihan para magdesisyon sa relasyon nito sa ibang mga bansa.

Pinayuhan pa nito si Robredo na dapat magkaroon muna ng refresher course para malaman ang batas.

Dapat rin aniya magpakunsulta si Lacson sa abogado bago ito maglabas ng saloobin sa social media tungkol sa nasabing usapin.