Binati ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Senado dahil sa pagkuwestiyon sa Supreme Court (SC) ang legalidad ng kaniyang memorandum na nagbabawal sa mga miyembro ng gabinete na dumalo sa pagdinig sa maanomalyang pagbili umano ng mga COVID-19 supplies.
Sa kaniyang lingguhang “Talk to the people” nitong Lunes ng gabi, sinabi ng pangulo na tila naliwanagan na ang mga senador matapos na dalhin sa Korte Suprema ang isyu para kuwestiyunin ang kaniyang memorandum.
Ito aniya ang disenteng paraan na ginawa ng komite at handa sila sa Palasyo na sagutin ang legalidad nito.
Magugunitang naglabas ng memorandum ang pangulo na pumipigil sa mga cabinet offiicials na dumalo sa isinasagawang pagdinig ng Senate blue ribbon committee sa ilalim ni Senator Richard Gordon.