-- Advertisements --
President Duterte
President Duterte/ FB photo

Bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa burol ng University of the Philippines (UP) student na namatay dahil umano sa hazing.

Kasama ng Pangulo sina National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar at Senator Bong Go na dumalaw sa burol sa Araneta Ave, sa Quezon City.

Naging pribado ang pagbisita ng Pangulo kung saan umabot sa halos isang oras itong nanatili sa pribadong kuwarto habang kausap ang mga magulang ng bikitma.

Bilang kasamahan sa fraternity ng Pangulo, ang pagpanaw ng 22-anyos na binata ay tiniyak nito na kaniyang paiimbestigahan.

Magugunitant natagpuan na lamang na patay sa loob kanilang bahay sa Marikina City ang 22-anyos na estudyante na miyembro ng UP Sigma Rho Fraternity nitong nakalipas na Sabado ng hapon.

Una rito, umapela si UP Diliman Chancellor Michael Tan na ‘wag na lang isapubliko ang pangalan ng biktima dahil sa pakiusap ng pamilya.

“I appeal to all students, faculty and staff, as well as other concerned parties in and out of UP Diliman, to stop posting and forwarding social media messages related to the death of one of the Sigma Rho Fraternity members implicated in last week’s online exposé of the fraternity’s hazing,” ani Tan. “Let us do this out of sense of decency and respect for the privacy of the family.”