-- Advertisements --
Ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging pasya nito na hindi harapin sa debate si retired Supreme Court Associate Justice Antoni Carpio.
Sa kaniyang national address nitong Lunes ng gabi, iginiit ng pangulo na hindi siya natatakot na makipag-debate kay Carpio sa usapin ng West Philippine Sea.
Sinabi ng pangulo na baka ang anumang maging pahayag nito ay magamit sa magiging aksyon ng gobyerno pagdating sa usapin ng West Philippine Sea.
Ipinagmalaki pa ng pangulo na makailang beses na itong sumabak sa debate lalo na noong 2016 elections.