-- Advertisements --

Nakahanda si Pangulong Rodrigo Duterte na i-veto ang anumang hakbang ng mga mambabatas na baguhin ang import tariff sa mga karne ng baboy.

Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na nirerespeto nila ang panawagan ng ilang mambabatas na bawiin ang desisyon ng pangulo sa pagbawas ng taripa sa mga imported pork sa isang taon.

Ang nasabing batas kasi ay pirmado ng pangulo sa ilalim ng Executive Order 128 para matugunan ang kakulangan ng suplay ng karne ng baboy dahil sa African swine fever.

Paglilinaw pa ni Roque na nakahanda ang Palasyo na makipagtulungan sa kongreso para maprotektahan ang mga hog raisers at mga consumers.