-- Advertisements --
Nagpasya si Pangulong Rodrigo Duterte na ibigay bilang donasyon ang kaniyang isang buwang sahod bilang tulong sa paglaban sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, na bukod sa pangulo ay kasama rin ang assistant secretaries of the Offices of the Chief Presidential Legal Counsel na direktang ibibigay ang 10 porsyento sa Office of Civil Defense.
Base sa naging ulat na ang sahod ng pangulo ay nasa P400,000 kada buwan.
Dagdag pa ni Panelo na ikinatuwa ng pangulo ang ginagawang inisyatibo ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno para labanan ang COVID-19.
Pinapakinggan din ng pangulo ang mga suhestyion at kaniyang pinag-aaralan ang posibleng pagpapalawig ng lockdown.