Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong isang kandidato sa pagkapangulo para sa 2022 elections ang gumagamit umano ng iligal na droga partikular na ang cocaine.
Isinagawa ng pangulo ang pagbubunyag sa kaniyang talumpati kasabay ng pakikipagpulong niya sa national at regional task force to end local communist armed conflict sa Mindoro.
Hindi na pinangalanan ng pangulo ang kaniyang tinutukoy at sa halip ay sinabi na ito ay anak mayaman at sikat daw ang apelyido.
Ipapaubaya na lamang daw nito sa publiko kung sino ang kaniyang tinutukoy na tao.
“May kandidato tayo na nagko-cocaine ‘yan, mga anak ng mayaman,” ani Duterte sa talumpati sa event ng NTF-ELCAC. “Kaya nga nagtaka ako anong nagawa, anong nagawa ‘yong taong ‘yan? I’m just asking. What contribution has he made para sa Pilipinas?”