-- Advertisements --

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na blangko ito sa naging desisyon ng anak nitong si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio nang maghain ito ng kaniyang certificate of candidacy sa pagka-bise presidente sa darating na 2022 elections.

Sa naging panayam sa pangulo ni pro-Duterte vlogger na si Byron Cristobal, sinabi nito na hindi sya nagbibiro nang tanungin siya ng mga mamamahayag ukol sa naging plano ng anak.

Dagdag pa nito na ang pagkakaalam lamang niya ay noong humingi ang anak ng dalawang kopya ng certificate of candidacy mula sa sinaniban nitong partido na LAKAS-CMD na isa para sa pagkapangulo at isa para sa bise presidente.

Hindi aniya sila nag-uusap kaya wala itong alam sa naging desisyon ng Davao City mayor.

Magugunitang makailang beses na inihayag ng pangulo na ayaw niyang tumakbo ang anak sa pagkapangulo ng bansa dahil sa tiyak na ito ay babatikusin.