-- Advertisements --
Inako ni Pangulo Rodrigo Duterte ang kakulangan ng suplay ng COVID-19 vaccine noong unang bahagi ng taong 2021.
Sa kaniyang Talk to People nitong Lunes ng gabi, sinabi nito na wala pang gaanong suplay ng bakuna sa bansa at wala pang mga kompaniyang gumagawa ng bakuna sa bansa.
Hindi rin aniya nito kayang makipagsabayan sa mga mayayamang bansa.
Hindi rin nito maiwasan na mapuna ang mga mayayamang bansa dahil sa sila kaagad ang nakakakuha ng maraming bilang ng mga bakuna.
Sa ngayon aniya ay naging maganda na ang suplay ng bakuna dahil patuloy ang pagdating nito sa bansa.