Inilabas na sa publiko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang pangalan ng mga mambabatas na kasama sa listahan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na sangkot umano sa korapsiyon sa DPWH.
Sa kaniyang national address nitong Lunes ng gabi, binigyang linaw nito na ang mga pangalan na kaniyang tinukoy ay nangangahulugan na mayroon na silang mabigat na ebidensiya laban sa kanila.
Gayunman, maari rin naman daw na idinawit lamang ang kanilang mga pangalan.
Ang mga binanggit ng Pangulo ay binubuo nina Occidental Mindoro Rep. Josephine Sato, dating Ifugao Rep. Teodoro Baguilat, Quezon City Rep. Alfred Vargas, Misamis Occidental Rep. Henry Oaminal, Northern Samar Rep. Paul Daza, Quezon Rep. Angelina Helen Tan, ACT-CIS Rep. Eric Yap at Bataan Repo. Geraldine Roman.
Kasama ring binanggit ng Pangulo ang ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na humihingi umano ng mga komisyon sa bawat proyekto ng gobyerno.