-- Advertisements --
Inimbitahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Russian President Vladimir Putin na bumisita sa bansa.
Isinagawa nito ang imbitasyon sa pakikipagpulong niya sa bagong Russian Ambassador to the Philippines Marat Pavlov.
Sinabi ng Pangulo na isang pagkakataon ang imbitasyon para mas lalong paigitingin ang magandang relasyon ng Pilipinas at Russia.
Tiniyak naman ng Russian ambassador ang posibilidad na pagbibigay ng kanilang bansa ng Sputnik V COVID-19 vaccine na magiging isang magandang kontribusyon sa relasyon ng dalawang bansa.
Ito na ang pangalawang beses na inimbitahan ni Duterte si Putin dahil noong Oktubre 2019 ay ipinarating niya ang imbitasyon sa dating Russian Ambassador to the Philippines na si Igor Khovaev.