Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na lumabas at makasalamuha ang mga tao kahit na ito ay hinidi pinapayagan ng kaniyang mga doktor.
Sa kaniyang weekly ‘talk to the people’ sinabi nito na kapag mamatay siya dahil sa pakikisalamuha sa mga tao ay andiyan aniya si Vice President Leni Robredo na papalit sa kaniya.
Ipapaubaya aniya na ito sa Diyos dahil sa nais ng mga tao na makita siya.
“Magplano ako. ‘Wag mo ako pilitin na hindi makalabas kasi ‘yong mga tao gusto ako makita… Bahala na ang Diyos sa kung ano mangyayari, kung dadapuan ako ng Delta, wala na. Nandiyan naman si Leni Robredo ang succession eh di sa kaniya na,” wika pa ng pangulo.
Nauna ng sinabi ng Department of Health na mayroong 450 Delta variant cases sa bansa kung saan 355 dito ay mga local, 69 ang mga returning overseas Filipinos at 26 ang sumasailalim sa beripikasyon.