Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Budget and Management (DBM) at Department of National Defense (DND) na bilisan ang pag-release sa retirees pension credentials ng Armef Forces of the Philippines (AFP) na nagkakahalaga ng higit P6 billion.
Ito ay para sa fiscal years mula 2008 hanggang 2013.
Ginawa ni Pangulong Duterte ang anunsiyo kasabay ng ika-75 taon ng Araw ng Kagitingan ngayong Abril 9 na isinagawa sa Mount Samat National Shrine, Bataan.
“I am directing DBM and DND to expedite the early release of AFP retirees’ pension,” pahayag ni Duterte.
Ang anunsiyo ng pangulo ay lubos na ikinatuwa ng mga beterano dahil malaking tulong ito para sa kanila lalo na sa pagbili ng mga pangunahing pangangailangan ng mga ito.
Hindi magkamaliw sa tuwa ang mga dumalong beterano at lubos ang pasasalamat sa pangulo sa magandang balita.
Giit ni Pangulong Duterte na kaniyang binibigyang prayoridad ang entitlements ng mga beterano upang hindi na raw maghirap ang mga ito.
“We are prioritizing your [veterans] entitlements. Our surviving veterans have suffered much. They should not suffer more,” wika ng pangulo.
Inihayag din nito na sa ngayon ay magka-alyado na ang Pilipinas at Japan lalo na sa pagsusulong ng pag-unlad at kapayapaan.
Aniya, ang anumang hindi pagkakaunawaan ay kailangang maayos sa mapayapang paraan.