-- Advertisements --
Ipinagmalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte na natupad niya ang pangako nito sa mga kasundaluhan at kapulisan gaya ng pag-doble ng kanilang sahod.
Sa kaniyang Talk to the People nitong Lunes ng gabi, sinabi nito na mula ng pagkaupo niya ay tiniyak niya na aayusin ang kalagayan ng mga sundalo at kapulisan.
Ilan sa mga dito ay ang pagkakaroon ng ngayon ng mga upgrades sa armas ng mga kapulisan at kapulisan.
Nagkaroon din ang bansa ng mga bagong air assets at maging ang naval assets ng bansa.
Napagtanto niya kasi na mula noong maupo bilang alkalde ng Davao ay mahalaga ang pagkakaroon ng magandang relasyon sa kapulisan at kasundaluhan.
Noong 2018 ay nagsimula ng itaas ng gobyerno ang sahod ng mga kapulisan at sundalo sa bansa.