-- Advertisements --

Sinabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang Presidential Security Group (PSG) na huwag ng magsalita tungkol sa isyu ng pagpapapaturok ng mga ito ng COVID-19 vaccines.

Sa kaniyang national address, ipinagtanggol ng Pangulo ang pagpapabakuna ng kaniyang mga PSG.

Sinabi nito na isang uri ng “self-preservation” ang kanilang ginawa, kahit ano pang pag-kuwestiyon o anumang uri ng kritisismo.

Binalaan din nito ang mga mambabatas na huwag pilitin ang mga PSG na magsalita tungkol sa usapin ng pagpapabakuna.

HIndi aniya nito papayagan ang mga PSG na tumestigo sa kongreso.

Magugunitang inamin nitong nakaraang mga araw ni PSG commander Brig. General Jesus Durante III na nabakunahan na ang mga PSG.