-- Advertisements --
May mga maliit na detalye na lamang ang ipinapaayos ni Pangulong Rodrigo Duterte bago nito pirmahan ang ‘security of tenure bill’.
Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello, na pinag-aaralan niyang mabuti ang ilang mga detalye.
Nilinaw ng kalihim na lumilinaw na walang balak ang pangulo na i-veto ang nasabing panukalang. batas.
Nakasaad sa panukalang batas na pag-classify sa mga manggagawa sa apat na uri ito ay ang regular, probationary, project-based at seasonal.
Ayon pa kay Bello na dalawang huling categories ay makakatanggap ng benepisyo sa kanilang mga manpower agencies.
Malaki ang paniwala ng kalihim na mapipirmahan na ng pangulo bago ang kaniyang itinakdang State of the Nation Address (SONA).