-- Advertisements --
Malaki ang paniniwala ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na nabigyan umano ng maling impormasyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin nang pagharang daw nila sa pondo ng Office of the President na nakalaan sa proposed 2022 budget.
Sinabi ni Sotto na walang anumang motibo ang Senado sa kanilang pag-iimbita sa mga Cabinet official at ito ay para malinawan ang ilang mga usapin.
Dagdag pa ni Sotto na ang hindi pakikiabahagi ng legislative at executive department ay magkakaroon talaga ng malabong pakikipag-ugnayan.
Nauna nang inakusahan ni Pangulong Duteter ang Senado na sinusubukang i-paralyze ang gobyerno sa pamamagitan ng pagbawas ng mga pondo ng mga iba’t-ibang opisina ng gobyerno.