-- Advertisements --
Nag-negatibo sa coronavirus o COVID-19 si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito mismo ang kinumpirma ni Senator Christopher “Bong” Go matapos na sumailallim sa pagsusuri ang pangulo.
Maging ang nabanggit na senador ay nagnegatibo rin sa COVID-19.
Magugunitang sumailalim sa COVID-19 testing ang dalawang opisyal matapos na ilang cabinet opisyal ang nag-self quarantine ng makasalamuha nila ang isang nagpositob sa nasabing sakit.
Tiniyak ng senador na “fit and healthy” sila para sa pagsilbi sa bansa.