-- Advertisements --
Duterte COC

Pormal nang nakapaghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) ang Pangulong Rodrigo Duterte para tumakbo sa pagka-senador sa 2022 elections.

Ayon sa abiso ng PDP-Laban secretary-general Atty. Melvin Matibag, tatakbo si Duterte sa ilalim ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS) upang palitan ang isang Mona Liza Visorde.

Ang partido PDDS na kaalyado ng ruling PDP-Laban Cusi wing ang siya ring tinatakbuhan ni Sen. Bong Go sa pagka-presidente.

Hindi na nagtungo ng personal ang pangulo sa Comelec headquarters sa Intramuros, Maynila upang humabol sa huling araw ng substitution kundi sa pamamagitan ng kinatawan na abogado na si Atty Melchor Aranas.

Sa isang pahayag sinabi ni Sen. Go, mas mabuting na ring tumakbo sa pagka-senador ang presidente kaysa sa bise-presidente upang maiwasan na magkasakitan sila ng anak na si Mayor Sara Duterte-Carpio na tumatakbo rin sa kahalintulad na posisyon sa ilalim naman ng Lakas-CMD.

Ang naging hakbang ng pangulo ay taliwas sa nauna nang niyang deklarasyon nitong nakalipas na buwan na magreretiro na siya sa politika sa pagbaba niya sa puwesto sa taong 2022.

Duterte COC Atty Aranas