-- Advertisements --
Nagpaabot ng pakikiramay ang Malacañang sa British royal family matapos ang pagpanaw ni Prince Philip ang asawa ni Queen Elizabeth sa edad na 99.
Sa pamamagitan ni presidential spokesperson Harry Roque, sinabi na naging malapit sa isa’t-isa ang Pilipinas at United Kingdom.
Nakikiisa aniya ang Pilipinas sa pagdadalamhati ng mga mamamayan sa Britanya dahil sa pagpanaw ni Prince Philip.
Magugunitang noong Pebrero ay itinakbo sa pagamutan ang Duke of Edinburge dahil sa infection at dumaan ito sa heart procedure.
Nakabalik naman sa Windsor castle ito noong Marso.
Nagkasama sina Queen Elizabeth at Prince Philip sa loob ng 69 taon.