-- Advertisements --

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Jo Mark Libre at Marita Canapi bilang bagong mga commissioners ng Commission on Higher Education (CHEd).

Papalitan ni Libre si outgoing commissioner Perfecto Alibin habang si Canapi ay siyang papalit kay Lilian de Las Llagas na kapwa nagtapos ang termino noong Hulyo 21, 2021.

Sinabi ni CHEd chairman Prospero De Vera na kanilang pinasalamatan ang naging panunungkulan ng mga outgoing commissioner.

Tiwala ito sa dalawang bagong commissioner na mayroong malaking tulong ito sa kanilang opisina.

Si Libre ay nagsilbing Vice President for Communications and External Affairs sa Jose Maria College Foundation ng Davao City.

Habang si Canapi naman ay naging second president ng University of Rizal System (URS) at nagsilbing Vice President of Academic Affairs sa University of Makati.