-- Advertisements --
PDEA
President appointment

Itinalaga ni Pangulong Rodridgo Duterte bilang bagong Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) director general si Region 10 PDEA Regional Director Wilkins Malinawan-Villanueva.

Pinirmahan ng Pangulo ang appointment ni Villanueva noon pang Mayo 22 pero ngayon lamang inilabas sa publiko.

Papalitan ni Villanueva si outgoing PDEA Director General Aaron Aquino.

Sa kaniyang pahayag sinabi ni Aquino na sa mahigit 20 taon niya sa larangan ng drug law enforcement mula pa noong PNP Narcotics Group at PDEA ay nakamit na niya ang kaniyang pangarap na maging PDEA chief.

Pinasalamatan naman ni Usec. Aquino ang Pangulong Duterte dahil sa tiwalang ibinigay na pamunuan ang nasabing ahensiya.

PDEA chief Aaron Aquino
PDEA chief Dir. Gen. Aaron Aquino

Nagpasalamat din ito sa mga tao niya sa ahensiya dahil sa suporta sa kaniyang pamumuno at dedikasyon sa ahensiya.

“I sincerely thank President Rodrigo Duterte for his trust and confidence and for giving me the opportunity to serve our people and his administration,” ani Usec. Aquino. I also thank the men and women of PDEA for their support to my leadership and dedication to the agency. Thank you for the honor of serving as the 6th Director General of PDEA. God bless us all on our next journey.”