-- Advertisements --

Sang-ayon si Pangulong Rodrigo Duterte na taasan ang pork importation sa bansa.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, na sumulat na si Pangulo sa Kongreso para sa pagpayag ng pagtaas ng minimum access volume o dami ng mga karneng baboy na iaangkat ng bansa.

Dagdag pa ni Roque na nais ng pangulo na gawing 350,000 metric tons ang angkatin na karne ng baboy mula sa dating 54,210 metric tons.

Layon aniya ng nasabing desisyon ay para maging stable na ang suplay ng karne ng baboy para bumaba ang presyo nito.

Paglilinaw naman ni Roque na nasa kamay pa rin ng Kongreso kung papayagan nila ang nasabing kahilingan ng pangulo.