Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na kaniya pa rin isinusulong ang peaceful resolution na siyang mabisang hakbang sa pagtugon sa isyung hindi pagkaka-unawan sa ibang bansa lalo na ang usapin sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Sinabi ng Pangulo na pinaninindigan pa rin ng Pilipinas ang principled position nito na kailangang ma settle ng mahinahon at sa maayos na pamamaraan ang pagtugon sa isyu ng hindi pagkaka-unawaan sa ibang bansa.
“This is a responsibility of all states, great and small, strong or weak. As responsible members of the international community, this is our sacred duty,” pahayag ng pangulo.
Inihayag ito ng pangulo sa isinagawang ika-75th “Araw ng Kagitingan” na ginanap sa Mount Samit National Shrine sa Bataan kanina.
Magugunita na ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa militar na magtayo ng mga structures at facilities sa walong isla at isang shoal na bahagi ng Kalayaan Island Group (KIG) sa West Philippine Sea.
Plano din ng pangulo na magtungo sa Pagasa island para pangunahan ang paggunita ng Independence Day sa June 12, 2017.