Davao City – Pasado alas-tres na ng hapon nang dumating sa kanyang presinto upang bumoto si Pangulong Rodrigo Duterte sa Daniel R. Aguinaldo National High School (DRANHS) sa lungsod ng Davao.
Kasama ng pangulo ang kanyang live in partner na si Honeylet Avanceña.
Napansin na ibang upuan ang ginamit ng pangulo at hindi na ang upuan sa kanyang pagkapanalo sa pagkapangulo noong 2016.
Samantala, mahigpit naman ang seguridad na ipinatupad sa palibot ng naturang paaralan.
Matatandaan na sa nakaraang barangay elections ay hindi nakaboto ang pangulong Duterte na siyang kauna-unahang barangay elections sa kaniyang termino.
Una nang bumoto kaninang alas-8:34 ng umaga ang presidential daughter na si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio, at pasado alas 3 na ng hapon nang bumoto si Baste Duterte.
Nakapagdesisyon naman ang dating Vice Mayor Paolo “Pulong†Duterte at ang asawa nitong si January Duterte na hindi na bumoto ngayong eleksiyon.
Hindi naman nagbigay ng komento ang kampo nito kung ano ang dahilan ng hindi pagboto.
Nilinaw naman ni Police Lt. Col. Wilbert Parilla, ang head ng City Monitoring Action Center o CEMAC, na wala silang natanggap na report patungkol dito ngunit kanila itong imo-monitor.