-- Advertisements --
Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang simbahan na kung maari ay ipagpaliban ang mga mass gathering kabilang ang tradisyunal na Traslacion at ang misa para sa Itim na Nazareno dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Sa kaniyang Talk to the People briefing nitong Martes ng gabi, sinabi ng pangulo na mahalaga sa Katolika ang nasabing prosesyon subalit dapat ay intindihin ng simbahan ang kaniyang kahilingan.
Dagdag pa nito na trabaho ng gobyerno ang pahalagahan ang kalusugan ng tao kay marapat na kanselahin na lamang ang nasabing pagtitipon.
Nauna ng umapela ang Department of Health (DOH) na suspendihin pansamantala ang taunang prosesyon ng Itim na Nazareno.